May Silbi pa ba ang Pagsusulat?

Kompyuter dito…

Ipad doon…

Pindot dito…

Swipe doon…

Napaka-hightech na nga talaga ng mga bagay sa ngayon. Lahat na lang iniimbento para madaliin and pabilisin lahat ng pangyayari. Pati nga panliligaw dinadaan na lang sa isang text message. Shortcut pa po ang ibang salita para tipid. Malaki na nga talaga ang ikinaiba ng “ngayon” sa “noon”. Kung dati ay ilang pad ng papel ang halos maubos makagawa lamang ng isang maayos na liham pag-ibig, naks!, ngayon, pisong load na lang. Kung dati’y papel at bolpen ang “in demand”, nagyo’y P.C. at Printer ang swak na swak. Di na kasi madudumihan ng tinta ng bolpen ang mga daliri sa pagsusulat at di na rin kailangang umulit pa sa umpisa kapag nagkamali sa huling salita ng akda. Konting backspace at pindot lang, presto! For printing na agad. Ang dali nga naman di ba? Dahil sa mga makabagong imbensyong ito, maraming bagay ang unti-unti nang nakaliligtaan at nawawalan ng halaga sa pagdaan ng panahon. Isa na sa mga ito ang pagsusulat. Kung lahat ay hightech na, masasabi pa bang may silbi ang pagsusulat?

Minsan nang winika ni Karl Marx ang mga katagang “Give me a pen and I will conquer the world”. Marami ng mga tao ang naging tanyag tulad ni Shakespeare dahil sa kanilang mga akda. Marami na ring tanong ang nabigyan ng kasagutan dahil sa mga naisulat na impormasyon. Marami na ring buhay ang nabago dahil sa kanilang nagawang akda. Patunay ang mga ito na sadyang makapangyarihan pa rin ang pagsusulat.

Sa pagsusulat rin higit na nahahasa ang isipan ng bawat indibidwal. Higit na pagpapagana ng karunungan kasi ang hinihingi sa pagsusulat. Mula sa pagsasaayos ng mga salita upang makabuo ng pangungusap hanggang sa pagsusuri ng kabuuan ay naipamamalas ng manunulat ang kanyang dunong.  At ang kanyang nalikhang akda na nagtataglay ng kangyang pagkakakilanlan ay bibigyan ng pagkakataong baguhin ang pag-iisip ng mga makababasa nito. Maaaring ito’y makapaghikayat, makapag-aliw o makapagdulot ng bagong pag-asa sa mga pinanghihinaan ng loob. Iba’t ibang epekto sa iba’t ibang klase ng mambabasa.

Hindi rin lingid sa atin na hindi lahat ng tao ay may kakayahang sambitin ang nilalaman ng kanilang puso’t isipan. Kung kaya’t ang pagsusulat ang nagiging mabisang paraan upang maihayag ang tinatagong ideya at saloobin. Sumagi tuloy sa aking isip ang isa sa mga naging kamag-aral ko na halos mabingi ako sa kangyang katahimikan. Subalit lagi naman siyang nangunguna sa paggawa ng tula at sanaysay. Isang katotohanan na ang pagsusulat ay nagbibigay-daan sa mga pambihirang kaisipan ng mga taong salat sa kakayahang magsalita.

Isa pang kahalagahan ng pagsusulat ay naiingitan nito ang mga mahahalagang impormasyon at detalye ng bawat karanasan ng isang tao sa loob ng mahabang panahon. Malimot man ng kanyang isipan sabay sa paglipas ng panahon ngunit kung muling babalikan ang naisulat (rebyu ika nga) ay para bang muling maisisilang ang mga nabaong alaala. Ito’y pagpatotoo sa kasabihang “Short pen is better than long memory”.

Ilan lamang ang mga ito sa mga katotohanang may bisa pa rin ang pagsusulat sa ating lipunan. Isang sistemang ipinamana ng ating mga ninuno;sistemang dapat linangin at gamitin; isang sistemang dapat pahalagahan sapagkat sa mahabang panahon ay napatunayan na nito ang kanyang silbi sa maraming paraan.

Advertisements

One thought on “May Silbi pa ba ang Pagsusulat?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s