Puso nga Naman :P

 

Kailangan ba talagang mainlove?

Pabigat ba?

O Sadyang saya ang dala?

Ay, ewan!

Puso nga naman..

“Gudmorning, tsup!” sa umaga.
“Gudnyt, mua:*” sa gabi.

Isali mo pa ang

“wag kang magpagutom ha…’

At “mag-iingat ka <3”

Hatid sa pagpasok si babae.

Sundo pa yan panigurado nitong si lalake.

Di ka ba nauumay, pre?

Halos araw-araw ata ganire,

Pasalamat na lang kung may halik sa pisngi.

Ito pa…

Sa kondisyon ni gurl,

Boy, wag kang sasabat.

Kundi daig mo pa ang sundalong,

sa giyera, dala ay sibat.

Kasabay sa pagsaulo ng Bill of Rights,

imemorays din ang petsa

kung kailan mo nakuha ang matamis na “OO”.

Para sa mansari nyo,

(Anibersari kung papalarin kayo =)

Ulo ng syota mo wag uminit sayo, iho.

Tsokolate, teddybear at rosas

Dagdag mo pa ang kain sa labas

Bulsa kaya’y di mabutas?

Isipin din ang bukas

Para iwas malas.

Oops. Awat muna..

Oi, Gurl, ikaw nman ang ibibida.

Mukha mo’y laging ingatan.

Si boy lagi yang tititigan.

Pero wag  mo naming pakapinturahan

Baka pagkamalang atsuete yan.

Sa daan, wag kang mabibigla.

Kung kamay mo’y hawak na niya.

E, Akbay pa nga yan kung minsan.

Sabihan si boy na wag lalabisan

Para sakto lang kung titingan.

Wag din palang isantabi,

Damit mo, binibini.

Brand new man yan o U.K ‘te,

Isuot lamang kung bagay at Keri.

Mas simple, mas swabe.

Sandali lang, hahabol pa.

Di mawawala ang away sa eksena.

LQ daw sabi nila.

Ito lang ang payo ko, kuya,

Sa pagsuyo, ikaw na ang mauna.

Tama ka man at mali siya.

Mahirap na madali ang drama.

Ang simpleng pagtext noon.,

Animo’y matinding obligasyon na ngayon.

Di bale, ikaw naman ay masaya,

Kasama mo pa siya, e, di maganda.

Hay, kaya pala naiinlove,

Dagdag kulay sa buhay na minsa’y malamlam.

Pambihirang puso nga naman.

Akala ko pagtibok lang ang alam.

Pati pala kakornihan

At ang isang bagay na nakakawindang –

PAG-IBIG ata tawag dyan.

04l15l12

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s